ARMADONG AMOK MAAGAP NA NAKONTROL NG MAUBAN PNP

NAIWASAN ang posibleng pananakit at sakuna matapos mapayapang makontrol ng mga pulis ang isang armadong indibidwal na nagwawala sa Sitio Atrasan, Barangay Daungan, Mauban, Quezon, noong Martes, Nobyembre 17.

Agad nagresponde ang tauhan ng Mauban Municipal Police Station matapos makatanggap ng ulat tungkol sa indibidwal na may dalang patalim at nagdudulot ng komosyon sa lugar.

Sa halip na gumamit agad ng dahas, maingat itong kinausap at pinakalma ng mga pulis hanggang sa tuluyang makontrol ang sitwasyon.

Walang naiulat na nasaktan sa insidente, kabilang ang mga sibilyan at mga pulis na nagresponde.

Pinuri naman ni Quezon Police Provincial Office Director PCol. Romulo Albacea ang maagap at propesyonal na pagresponde ng Mauban PNP na nagpakita umano ng disiplina, katapangan at makataong pagpapatupad ng batas.

Dahil sa nakitang posibleng kondisyong pangkalusugan o pangkaisipan ng indibidwal, nakatakda itong i-turnover sa Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO para sa pagsusuri at kaukulang tulong.

(NILOU DEL CARMEN)

45

Related posts

Leave a Comment