SCHOOL PRINCIPAL, PATAY SA PAMAMARIL

PATAY ang isang school principal makaraang pagbabarilin nitong Miyerkoles ng umaga sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur.

Kinilala ang biktimang si Dionel Villabito Mahusay, principal ng Pendililang Elementary School.

Ayon sa ulat, papaalis na ang biktima sa kanilang bahay sa Barangay Salbu sakay ng kanyang minivan nang bigla na lamang pinagbabaril ng mga suspek dakong alas-otso ng umaga.

Lumitaw sa isinagawang imbestigasyon, tinamaan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na nagresulta sa agaran nitong pagkamatay.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan at maaresto ang mga suspek.

(TOTO NABAJA)

29

Related posts

Leave a Comment