ITINUTURING ni Senate President Sherwin Gatchalian na malaking oportunidad para sa mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa Southeast Asia, kabilang ang Pilipinas, ang paglagda sa ASEAN Digital Economy Framework Agreement (DEFA).
Ayon kay Gatchalian, magbubukas ang kasunduan ng mas malawak na oportunidad para sa maliliit na negosyo, kabilang ang mga nasa probinsya, upang mapalawak ang kanilang merkado sa iba’t ibang bansa sa rehiyon.
Gayunman, binigyang-diin ng senador na kailangang palakasin ng pamahalaan ang kakayahan at kompetisyon ng mga lokal na negosyo upang lubos nilang mapakinabangan ang kasunduan.
Kabilang sa mga dapat tutukan ang pagpapababa ng singil sa kuryente at internet connectivity, gayundin ang pagpapaunlad ng mas mabilis at episyenteng imprastraktura para sa logistics.
Sinabi ni Gatchalian na susuriin ng Senado ang mahahalagang probisyon ng kasunduan upang matiyak na mapoprotektahan at mapalalakas ang mga lokal na maliliit na negosyante, lalo na sa inaasahang pagpasok ng mas maraming produkto mula sa mga bansang kasapi ng ASEAN.
(DANG SAMSON-GARCIA)
206 