5 SENIORS, 6 IBA PA SUGATAN SA KARAMBOLA NG 5 SASAKYAN

CAVITE – Sugatan ang 11 indibidwal na kinabibilangan ng limang senior citizens at kabilang sa mga pasahero ng apat na sasakyang nagkarambola nang banggain ng driver ng isang Isuzu truck van habang nakatigil sa stop light sa bayan ng Silang noong Lunes ng umaga sa lalawigan.

Pawang nilalapatan ng lunas sa Silang Medical Specialist at Estrella Hospital ang mga biktimang sina alyas “Roderick”, 63; “Rene”, 59; “Cecilia”, 92; “Emelita”, 81; Josefina, 86; “Arvin”, 27, driver ng Nissan Terra; “Armine”, 58; Faustino, 46, driver ng tricycle na Kawasaki; “Lorenita”, 47; “Ronelio”, 39, driver ng Toyota Hi Ace; at “Roland”, 42, driver ng Mitsubishi Montero.

Nabatid na nakatigil ang mga sasakyan na kinabibilangan ng Isang Chevrolet Trailblazer, isang Nissan Terra, isang tricycle na Kawasaki Barako, isang Toyota Hi Ace at isang Mitsubishi Montero sa kahabaan ng Brgy. Tubuan 2, Silang Cavite galing Tagaytay patungo sa direksyon ng Dasmariñas bandang alas-10:43 kamakalawa ng umaga habang naka-stop light, nang banggain sila ng minamanehong Isuzu truck van na may plakang RKV 842 ni alyas “Marvin”, 41 ng Balayan, Batangas, na nagresulta sa pagkakasugat ng ilang drivers at pasahero sa nasabing mga sassakyan.

Hawak na ng pulisya ang driver ng Isuzu truck van na si alyas “Marvin”

(SIGFRED ADSUARA)

110

Related posts

Leave a Comment