ANIM ang deklaradong patay nang sumiklab ang sunog sa Tondo, Manila kaninang umaga.
Ayon sa report ng Manila Fire District, ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa 1888 Tioco St. sa panulukan ng Tapuri St., sakop ng Barangay 89 Zone 8 sa unang distrito ng Tondo.
Sa ulat ng BFP, bandang
6:37 nang ireport ang sunog sa bahay ng isang Alfredo Estabillo.
Nadamay pa ang
may 20 pamilya at dakong
7:52 ngayong umaga nang ideklarang fire under control.
Sa inisyal na ult, kinilala ang anim na namatay na sina Nathalie Nicole Sorbito, 17; Shane Bernadette Sorbito, 16 ; Elizabeth Mendoza, 48; Janet Rosales, 49: ang lolang si Remedios Pacia, 70-anyos at isang lalaki na si Eugenio Pacia, 48-anyos. (RENE CRISOSTOMO)

374