MULING nakapagtrala ng 17 patay sa COVID-19 ang CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Abril 21.
Ayon sa ulat, siyam ang patay sa Caloocan City at 1,859 ang active cases. Pumalo na sa 24,014 ang tinamaan ng COVID-19 sa siyudad at sa bilang na ito ay 21,472 na ang gumaling at 684 na ang namatay.
Lima naman ang namatay sa Malabon City at 382 na ang COVID death toll ng lungsod. Umabot na 93 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 11,591 na positive cases, 693 dito ang active cases.
Habang 105 pasyente ang gumaling at 10,516 na ang recovered patients.
Dalawa naman ang namatay sa Valenzuela City at 1,217 ang active cases makaraang 195 ang nagpositibo at 30 lamang ang gumaling.
Sumampa na sa 16,088 ang nasapol ng pandemya sa lungsod, at sa bilang na ito ay 14,484 na ang gumaling at 387 na ang namatay.
Isa naman ang namatay sa Navotas City at 953 ang active cases matapos na 72 ang gumaling ngunit 80 ang nagpositibo.
Umakyat na sa 10,013 ang kumpirmadong kaso sa lungsod, kung saan 8,751 na ang gumaling at 309 na ang namatay. (ALAIN AJERO)
320 