85 SAKO NG BASURA NAKOLEKTA SA MANILA BAY

UMABOT sa 85 sako ng mga basura ang nakolekta ng Department of Environment and Public Services (DEPS) sa isinagawang clean up drive matapos ang ilang araw na sunod-sunod na pag-ulan partikular sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Manila Bay kung saan ang mga ito ay inanod sa dalampasigan.

Bukod dito, agad ding nilinis saka hinakot at kinolekta ang mga basurang inanod sa pampang ng Baseco Beach sa Port Area.

Agad na inalis ng mga kawani ng DEPS Manila ang naipong mga basura upang mapanatili ang malinis at maaliwalas na baybayin.

Patuloy ang pagsasagawa ng mga cleanup activity sa nabanggit na mga lugar upang mapanatili ang kalinisan ng baybayin.

(JOCELYN DOMENDEN)

60

Related posts

Leave a Comment