TODA AKSIYON SUSUBOK SA KONGRESO

PORMAL nang naghain ng paglahok sa 2025 midterm election ang TODA Aksiyon Party-list sa pangunguna ni first nominee Rovin Andrew Feliciano na dating konsehal sa lungsod ng Valenzuela.

Ang TODA Aksiyon Party-list ay lalahok sa Halalan 2025 upang bigyan ng boses at representasyon ang mga tricycle driver at operators sa buong Pilipinas. Sa mahabang panahon ay walang representasyon ang nasabing tunay na marginalized sector.

Ipinakita ni Feliciano ang Certificate of Nomination and Certificate of Acceptance matapos maghain sa Commission on Elections sa Tent City sa Manila Hotel kamakalawa. (DANNY BACOLOD)

24

Related posts

Leave a Comment