6 PATAY SA FLASHFLOOD SA BATANGAS

UMABOT sa anim katao ang kumpirmadong namatay sa magkahiwalay na insidente ng pagragasa ng baha sa lalawigan ng Batangas noong Huwebes.

Sa inisyal na report ng PNP, lima ang nasawi sa bayan ng Agoncillo nang rumagasa ang baha na may kasamang bato, kahoy at putik.

Ayon sa LGU, dalawa sa mga biktima ay mula sa Barangay Subic Ilaya, isa mula sa Barangay Subic Ibaba at isa rin sa Barangay Panhulan.

Ngunit ayon sa MDRRMO, posibleng madagdagan ang bilang dahil marami pa ang nawawala.

Kasalukuyan pang kinukumpirma ang mga ulat na may mga residenteng natabunan sa Barangay Bilibinwang dahil sa ngayon ay hirap pa ring mapasok ang nasabing barangay.

Samantala, isa rin ang naitalabng nasawi habang dalawa naman ang sugatan nang matabunan ng mga troso at bato ang kanilang bahay sa Barangay Poblacion sa bayan ng Laurel.

Ayon sa Laurel LGU, marami pa ang nawawala matapos matabunan din ng troso at bato ang mga kabahayan sa mga barangay ng Bugaan West, Gulod at Molinete.

Isolated ngayon ang bayan ng Laurel dahil barado ng mga troso at bato ang daan papuntang Agoncillo, Talisay at Tagaytay City kaya hindi madala sa ospital ang mga sugatan. (NILOU DEL CARMEN)

189

Related posts

Leave a Comment