REP. NOGRALES: MAS MARAMING TRABAHO PARA SA PILIPINO

(JOEL O. AMONGO)

BINIGYANG-DIIN ng chair ng House of Representatives labor and employment committee noong Huwebes ang pangangailangan ng bansa na maging handa sa paglikha ng mas maraming trabaho sa mga Pilipino.

“A business-ready climate will attract both the foreign and local private sector to set up shop in the country, thus generating jobs for our people and spurring the economy,” ani Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles.

“Both the national and local government should prioritize addressing issues that hamper the ease of doing business, dagdag pa ni Nograles.

Ang komento ni Nograles ay kaugnay sa pahayag ng Anti-Red Tape Authority na ang Pilipinas ay naghahangad na maisama sa top 20 percent ng mga bansa na tinasa ng World Bank para sa kanilang Business Ready (B-READY) report para sa taong 2026.

Suportado naman ni Nograles ang target na ito ng ARTA.

“This is a noble objective that will have life-changing consequences for many Filipino families. This is why I really hope that the whole nation rallies behind this goal and work hard towards attaining it,” ayon pa sa batang mambabatas.

Ang B-READY na ulat ay nagsusuri sa ‘business and investment climate’ sa pamamagitan ng tatlong haligi: ‘regulatory framework, public services, and operation efficiency.’

Ang Pilipinas ay nasa ika-16 sa 50 economies sa inaugural World Bank B-READY report na inilabas ngayong buwan.

Samantala, nasa ika-24 na puwesto ang Pilipinas sa public services at ika-36 naman sa operational efficiency.

Binanggit din ng mambabatas ang pangangailangan ng tamang implementasyon ng ‘Ease of Doing Business Act,’ lalo na sa digitalizing operations para maiwasan ang bureaucratic red tape.

“We have to achieve full compliance for all local government units in areas such as the required electronic one-stop shop to expedite the processing of business permits, among other things,” sabi pa ni Nograles.

55

Related posts

Leave a Comment