TIYUHIN TIMBOG SA RAPE SA DALAGITA

NAHULOG sa kamay ng pulisya ang ranked no. 4 most wanted person, sa isinagawang manhunt operation ng Binangonan Warrant Tracker Team noong Enero 5, bandang alas-1:40 ng hapon sa Brgy. Tandang Kutyo, Tanay, Rizal.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng korte sa kasong qualified rape of minor na walang inirekomendang piyansa, inaresto ang akusado na kinilalang si alyas “Fonso”, 49-taong gulang, at naninirahan sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng Binangonan PNP, noong Enero 2024 nang mangyari ang panggagahasa ng akusado sa kanyang sariling pamangkin na labing-tatlong taong gulang.

Kasalukuyan namang nasa kustodiya na ng Binangonan Custodial Facility ang akusado habang ang korte ay iimpormahan hinggil sa kanyang pagkakaaresto. (NEP CASTILLO)

145

Related posts

Leave a Comment