NILALAPATAN ng lunas sa pagamutan ang isang 2-anyos na babaeng paslit makaraang masagi ng isang motorsiklo sa southbound lane ng Anacleto at Mayhaligue Streets, Sta. Cruz, Manila noong Linggo ng hapon
Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in physical injury ang 22-anyos na delivery rider na residente ng San Ildefonso, Bulacan.
Habang ligtas na sa panganib ang paslit na si alyas “Elize”, residente ng Sta. Cruz, Manila, na mabilis na isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center.
Base sa ulat ni Police Corporal Riddick Fajardo kay Police Major Jaime Gonzales, hepe ng Vehicular Investigation Traffic Section (VITS) ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), ayon sa footage ng CCTV, habang naglalakad ang paslit nang nasagi ito ng motorsiklo ng delivery rider. (RENE CRISOSTOMO)
99
