(CHRISTIAN DALE)
HINDI nakamit ng sektor ng agrikultura ang target nitong output noong isang taon matapos makapagtala ng pagbaba sa produksyon sa nakalipas na tatlong buwan ng 2024 para maihatid ang full-year figure na mababa sa target ng pamahalaan.
Ito ang makikita sa data na ipinalabas ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Makikita sa PSA data ang value ng agriculture at fisheries output na bumaba ng 2.2% sa fourth quarter sa nakalipas na taon, kasunod ng 3.6% contraction sa third quarter, 3.2% ang ibinaba sa second quarter, at 0.2% expansion naman sa first quarter.
Ang mga pananim, tinatayang 58.2% ng kabuuang production value, nabawasan ng 3.1%. Ang ‘biggest cuts’ ay nakita sa produksyon ng monggo na bumaba ng 48.2%, tobacco ng 25.6%, sugarcane o tubo ng 23.5%, at sibuyas ng 11.1%.
Ang value ng palay o unmilled rice produced para sa taon ay bumaba ng 5.0%. nauna rito, nagtakda ang Department of Agriculture (DA) ng target production na 20.44 million metric tons (MT) ng unmilled rice for 2024.
Ang pangisdaan, na may 12.9% na produksyon, bumaba ng 2.1%.
“Double-digit drops were recorded in mud crab (alimango) down 28.9%, cavalla (talakitok) by 24.9%, big-eyed scad (matang baka) by 20.6%, Indian mackerel (alumahan) by 20.0%, among others,” ayon sa ulat.
“Livestock, which fell by 6.2%, accounted for 14.0% of total production. Contractions were seen in the production of hog (-7.3%), goat (-4.1%), and cattle (-2.7%). Production of carabao grew by 1.8%, and dairy by 4.8%,” ayon pa rin sa ulat.
Naitala para sa 12.9% ng kabuuang produksyon, ang poultry o manukan ay ang sole subsector na nakapagtala ng paglago sa quarter na may 6.1%. Ang produksyon ng manok ay lumawig ng 5.0%, chicken eggs ng 9.8%, at duck ng 0.3%. Ang produksyon ng duck eggs ay bumaba ng 3.1%.
“This brought the full-year 2024 agriculture and fisheries output down by 2.2%, below the DA’s target growth range of 1.0% to 2.0%, following the 0.4% expansion in 2023,” ayon sa ulat.
Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin makapaglabas ang ahensya ng kalatas hinggil sa pinakabagong report subalit ipinahayag ang epekto ng matinding weather conditions gaya ng El Niño, La Niña, at serye ng mga bagyo.
Para ngayong taon, nakapagtala ang DA ng ani ng palay na 20.46 million metric tons, at naglalayon na paghusayin ang logistics para sa perishable goods gaya ng gulay at prutas.
24