MGA MAGSASAKA, GURO, ESTUDYANTE SA AURORA INAYUDAHAN NG ATEACHER

PINANGUNAHAN ni ATEACHER Party-list nominee Virginia Rodriguez ang pamamahagi ng bigas, tubig at relief goods sa underprivileged families, mga magsasaka, guro at estudyante sa Maria Aurora, Aurora Province, bilang bahagi ng kanyang commitment na suportahan ang marginalized Filipino population.

“My mission is to assist those who are overlooked by the government. This initiative provides significant support, as these individuals are in dire need of food and belong to the most impoverished communities,” ani Rodriguez. Katuwang niya si Maria Aurora Mayor Ariel S. Bitong sa distribusyon ng mga naturang ayuda para sa mga benepisyaryo.

Ayon kay Rodriguez, isa sa mga paraan upang makatulong na labanan ang kahirapan sa komunidad ay mag-donate ng pondo at magkaloob ng livelihood projects sa mga magsasaka at kanilang pamilya.

Nabatid na ang ATEACHER party-list, na siyang napili ng karamihan sa mahihirap upang kumatawan sa kanila sa Kongreso, ay nagsusulong na makapagkaloob ng pondo upang maayos ang housing inequalities, education gaps, food insecurities at iba pa.

“This is a big help since these people really need education, jobs and food. They’re among the poorest of the poor,” dagdag pa ni Rodriguez.

Sa tulong ng local leaders sa Aurora, nagsagawa rin si Rodriguez ng Livelihood Programs na nakapokus sa pagbuo ng partnerships, pag-empower ng mga indibidwal at magsulong ng stakeholder accountability upang makapagtatag ng self-reliant at sustainable communities.

Sa pamamagitan ng mga inisyatibang ito, itinataguyod ng ATEACHER party-list ang pananaw na ang proyekto ay higit pa sa isang adbokasiya ngunit sa katunayan ay isang katuwang para sa kaunlaran. Kabilang sa mga proyektong ipinatupad sa ilalim ng naturang Livelihood Program ay hairdressing, farming at iba pang agroforestry practices, hanggang sa pagtatatag ng mga kooperatiba sa small-scale trading.

14

Related posts

Leave a Comment