Tuloy paggunita sa ‘EDSA’ ILANG UNIBERSIDAD NAGMATIGAS KAY BBM

SINUWAY ng ilang paaralan si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa kanyang deklarasyon na gawing ‘working holiday’ na lamang mula sa Isang regular na holiday ang EDSA People Power Revolution sa Martes, Pebrero 25, sa susunod na linggo.

Sa kanilang deklarasyong ito, ikinatuwa naman ng grupo ni Kabataan party-list representative Raoul Danniel Manuel ang desisyon ng De La Salle University (DLSU), University of Santo Tomas (UST) at University of the Philippines (UP) na ituloy pa rin ang paggunita sa ika-39 na anibersaryo ng tinaguriang ‘bloodless revolution’ na nagpatalsik sa mga Marcos sa mahigit 20-taong pahagari nito sa bansa.

Kaugnay nito, hinamon din ng grupo ng mga mambabatas sa ibang mga paaralan at unibersidad na huwag hayaang maging kabahagi sila sa pagtatangka ni Marcos na baguhin ang kasaysayan ng bansa at ibaon sa limot ang madilim na panahong pinagdaanan ng sambayanan sa kamay ng ama ni PBBM na si dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos Sr.

“To counter historical distortion and to honor the sacrifices of thousands of young Filipino martyrs who fought against the Marcos dictatorship, we shouldn’t stop at bringing back the holiday,” hiling ng grupo ni Manuel sa ibang mga eskuwelahan hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.

Ipinaliwanag ng grupo na ang mga kabataan ngayon ay walang personal na karanasan kaugnay ng EDSA People Power 1 kaya dapat lang na magkaroon sila ng interest at kaalaman sa pangyayaring nagbalik ng demokrasya sa Pilipinas also spat ba dekada na ang nakalipas.

Dahil dito, mas kailangang malaman umano ng mga kabataan, lalo na yaong mga estudyante, ukol sa tunay na mga kaganapan noong Pebrero 25, 1986.

“We need a generation of Filipinos who critically understand the impact, limitations and shortcomings of EDSA People Power. We are not here to glorify blindly but to acknowledge the continuing need for collective action to achieve genuine social change and not just a change in government,” ayon sa grupo.

Samantala, isa sa inaasahang pagkilos sa paggunita ng mapayang rebolusyon ay mga malawakang kilos-protesta na inorganisa para igiit ang paglilitis kay Vice President ‘Inday’ Sara Duterte-Carpio bukod sa paniningil kay Marcos Jr. sa kabiguan nitong tuparin ang kanyang mga pangako, tulad ng pagpapababa sa P20 na presyo ng kada kilo ng bigas at ang hindi mapigilang pagtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. (PRIMITIVO MAKILING)

18

Related posts

Leave a Comment