LIBRENG PAGKAIN SA MAHIHIRAP NA ESTUDYANTE ISUSULONG NG A-TEACHER

ISUSULONG ni A-teacher Party-list nominee Virginia Rodriguez ang magbigay ng libreng pagkain sa mahihirap na estudyante, pamilya sa bawat barangay at terminal ng mga transportasyon upang labanan ang malnutrisyon at panatilihing malusog ang mamamayang Pilipino.

Sa isinagawang Gunting at Suklay Hanapbuhay CARAVAN ng ATeacher Party-list sa tatlong munisipalidad sa San Jose, Nueva Ecija; Santa Fe, Nueva Vizcaya at Aritao, Nueva Vizcaya, sinabi ni Ms. Rodriguez na maghahain siya ng batas na tatawaging “Leave Nobody Hungry” para mabigyan ng sapat na pagkain ang bawat pamilyang Pilipino upang wakasan ang kagutuman sa bansa.

Ilang grupo ng kabataan tulad ng Kraysiz Krays Villegas at Mob Sparo ay naghandog ng mga modernong rap kay Congresswoman Virginia Rodriguez, bilang suporta sa adhikain nitong matugunan ang kagutuman, kakulangan ng mga paaralan, pagkain at benepisyo para sa mga guro at estudyante.

Tiniyak din ni Ms. Rodriguez na lahat ng mga guro ay makatatanggap ng 50 kilo ng bigas tuwing ika-15 at ika-30 araw ng buwan upang matiyak na mayroon silang nutritional food sa kanilang mesa bago pumasok sa mga paaralan upang magturo.

Si Rodriguez, ang kauna-unahang Pilipino na nakatuklas ng VegieMax na multi vitamins na Anti-Cancer at ng isang-uri ng organic fertilizer upang mapaunlad ang mga pananim, ay may kakayahang magpatupad ng self-supporting sa Feeding Programs at Food Caravans sa bansa dahil sa kanyang kaalaman sa mga programang Agrikultura upang lumikha ng mga badyet sa pagkain gamit ang mga makabagong pamamaraan at makabagong teknolohiya.

Isusulong din ni Ms. Rodriguez ang panukalang batas na magpapababa sa presyo ng bigas at mga pangunahing bilihin sa pamamagitan ng paggamit ng mga organikong pataba upang mapabuti ang produksyon ng lahat ng produktong agrikultura.

Ang nangungunang ATeacher party-list na organisasyon ay nakatuon din sa pagpapahusay ng mga dagdag benepisyo para sa parehong mga guro at mag-aaral, pati na rin ang pagtatayo ng mga karagdagang silid-aralan upang matugunan ang dumaraming populasyon ng mga mag-aaral sa bansa.

Si Rodriguez, may-akda ng aklat na “Leave Nobody Hungry”, ay magsusulong ng isang price subsidy program para sa mga magsasaka at mahihirap na pamilyang Pilipino upang mapalakas ang kanilang produksyon.

14

Related posts

Leave a Comment