CAMPAIGN VIDEO NI QUIBOLOY PWEDE NANG IPALABAS SA MGA RALLY

NAGPAYONG, Lungsod ng Pasig — Simula pa noong Sabado, Marso 1, pinayagan na ng korte na ipalabas ang mga campaign video ng nakadetineng founder ng kongregasyon ng Kingdom of Jesus Christ (KoJC) na si pastor Apollo Quiboloy sa mga rally ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Tumatakbong senador si Quiboloy bilang guest candidate ng PDP-Laban sa nalalapit ng midterm elections na nakatakdang sa Mayo 12 ng taong kasalukuyan.

Pinaboran ni Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 159 executive judge Rainelda Estacio-Montesa ang petisyon ni Quiboloy na payagan ang pag-ere ng kanyang mga pre-recorded video sa mga pangangampanya ng kanyang partido sa pangunguna ni dating pangulong Rodrigo ‘Rody’ Duterte.

Ikinagalak naman ng kilalang pastor, na nakadetine sa ngayon sa piitan sanhi ng kasong human trafficking, ang desisyon ng korte na payagang i-ere ang mga sumusunod niyang video: ang kanyang 35-minutong talumpati sa kanyang proclamation rally noong Pebrero 11, ang 32-minutong talastasan nila ng kanyang abogadong si Atty. Israelito Torreon at ang 14-na-minutong pagtalakay sa kanyang sarili.

Batay sa desisyon ni Judge Estacio-Montesa, maaaring ipalabas ang mga nasabing video sa campaign rally ng PDP-Laban sa Iloilo City at sa lahat ng susunod pang mga campaign sortie na may pahintulot mula sa korte.

(Larawan mula sa Philippine News Agency)

57

Related posts

Leave a Comment