KUME BUKING SA PAMBABABAE?

BISTADOR ni RUDY SIM

MATAPOS ang kahihiyang inabot ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Atty. Joel Viado sa nabistong sadyang pagpapatakas ng kanyang mga tauhan sa puganteng South Korean, ay tila sunod-sunod ang naging kamalasan nito nang mismong ang kanyang misis di-umano ang nag-post sa kanya sa social media hinggil sa pangangaliwa.

Sa isang litrato na ating natanggap na may caption na “The Kabit. I’m so much hotter” at “Thirty old whore” na kumakalat ngayon sa ahensya, ay makikitang katabi ng feelingerong pogi na si Viado, ang isang hindi naman kagandahang masyado na babae, syempre asa ka pa, Kume!, habang ang mga ito ay masayang nagkainan, este nasa kainan pala…

Ayon sa chikaboom boom na narinig natin sa BI, sa takot umano ni Kume sa kanyang misis at sa kahihiyan na inabot nito sa ahensya makaraang mabuking ang pambababae nito, ay lumipat daw muna pansamantala itong si Kume ng opisina sa satellite office sa SM Aura??

Sa ilang screenshot na ipinost sa social media ng legal wife ni Kume, ay makikitang inilabas nito ang kanyang sama ng loob sa pambababe umano ni Vayad-O na naging trending ngayon sa BI, habang tinatawanan ng mga empleyado itong si feeling pogi… Hoy Kume!, bakit hindi ka humingi ng tip sa matandang opisyal na may jowang Rich na bata pa…

Buweno, hindi naman natin pinakikialaman ang pribadong buhay ng mga kupal na opisyales na ito ng BI, ang atin lamang ay isa kayong masamang halimbawa sa mga empleyado dahil nagagamit ninyo ang inyong posisyon at kapangyarihan upang magawa ninyo ang pansariling kapakanan.

Samantala, aba eh, gaano kaya katotoo na itong si kupal na Kume na kahit sa araw ng Linggo ay nagpatawag ng press conference sa main office ng BI dahil sa muling pagkakaaresto sa pinatakas na Korean fugitive na ipinagmalaki niyang ang Fugitive Search Unit at Intelligence Division daw ang nakakuha sa pugante? Samantalang ayon sa ating source ay ang Naval Intelligence umano ng mga sundalo ang naka-trace kung saan nagtago ang tumakas. Hindi ka lang pala kupal, Sir, mahilig ka pa mang-agaw ng credit kung sino ang talagang dapat bigyan ng parangal.

Bakit, mayroon pa bang dangal itong mga opisyal ng FSU at intelligence? Antayin ninyo lang at ating ibibisto ang mga kalokohan ng mga ito at maging ang kanilang tagong yaman kung gaano karami ang kanilang property, mansion at maging ang mga kulasisi na nakagarahe sa ilang condo unit sa Kamaynilaan.

Bakit tila nanahimik itong si Senator Hontiveros at Congressman Marcelino Libanan na dating naging Commissioner din ng BI… hmm musta na pala Sir, si Maui? Ay, sori sinalo na pala ni Mr. Clean ng legal division… Bakit hindi ninyo imbestigahan kung bakit hindi pa sinisibak ni Viado ang warden at deputy ng kulungan ng mga dayuhan sa Bicutan?

Ang Warden ay nagpunta ng Japan kahit hindi naman nito trabaho ang mag-escort ng deportees at ang deputa naman, ay deputy pala na si Barlaan ay napakabilis na pumirma sa incident report na nakatakas daw ang Korean nang ito ay magpaalam ng gumamit ng CR… Aba, kahit kababayan kita Barlaan, kupal ka rin… Gagawa lang kayo ng kuwento, hindi pa ninyo ayusin! Mr. Barlaan, gaano katotoo na ikaw ang humahawak ng “ICE ROOM” dyan sa Bicutan Jail na pinarerentahan ninyo sa mga dayuhang mapera?

Para sa inyong sumbong at reaksyon, maaaring i-text ako sa 09158888410.

(Ang mga ipinapahayag sa kolum na ito ay sariling opinyon ng sumulat at hindi saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

158

Related posts

Leave a Comment