OPLAN BAKLAS IKINASA NG COMELEC VS PASAWAY NA CAMPAIGN MATERIALS

SA pagsisimula ng kampanya sa lokal na posisyon nitong Marso 28, ang Commission on Elections naman ay nagsagawa ng Oplan Baklas o ang pagtanggal ng campaign materials na lumabag sa mga patakaran.

Pinangunahan ito ni Comelec Chairman George Garcia, at ng mga kinatawan mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at EcoWaste Coalition.

Ayon kay Garcia, marami pa ring mga pasaway na naglalagay ng campaign materials sa mga hindi designated area.

Pinuna ni Garcia ang mga kandidato na sana bago nagsimula ang pag-arangkada ng local campaign ay pinatanggal na ang kanilang campaign materials na nasa pampublikong lugar upang sa gayon ay hindi na sila nahirapan pa.

“Alam n’yo kung ako ‘yung kandidato bago angsimula ang araw na ‘to pinatanggal ko na ‘yung nasa public places para hindi na pahirapan pa kami, kakadumi ng kamay namin kakatangal – ang hirap magtanggal ng mga alambre”, pahayag ni Garcia.

Nanawagam din siya sa mga kandidato na magkusa sa pagtanggal ng illegal campaign materials para makapag-focus ang Comelec at iba pang concerned agencies sa ibang mga gawain.

Kabilang sa inalis na campaign posters ay mali ang sukat at nakalagay sa hindi common poster areas.

Ayon kay Garcia, base sa batas, susulatan lamang at bibigyan ng tatlong araw ang violators upang tanggalin ang illegally posted materials o mga gumamit ng materyales na hindi environmentally friendly.

Babala ni Garcia, kung sa loob ng tatlong araw ay hindi natanggal ang illegal campaign materials, sila ay kakasuhan ng election offense at disqualification.

(JOCELYN DOMENDEN)

41

Related posts

Leave a Comment