MGA KOMENTO NI RETIRED JUSTICE CARPIO SA MGA ISYU KAY SEN. BATO

RAPIDO ni PATRICK TULFO

SA aking panayam kay retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, sinagot nito ang ilang katanungan ukol sa kaguluhan na naganap sa Senado kamakailan lamang.

Ayon kay Justice Carpio, hindi na kailangan pa ng warrant of arrest na manggagaling sa isang local court para maaresto si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa. Ito ay dahil sapat na raw ang warrant of arrest na galing sa ICC dahil kinikilala naman ng Pilipinas ang ICC at naging miyembro nga tayo rito bago tayo umalis sa utos na rin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

At tila alam na rin ni Justice Carpio ang kahihinatnan ng petisyon sa Korte Suprema ng mga abogado ni Sen. Bato, kung saan ibinasura ng mga miyembro nito ang Temporary Restraining Order (TRO) na hiling ng kampo ng senador.

Ayon sa dating mahistrado, mayroon bagong Supreme Court ruling na tinawag na “Fugitive disentitlement” kung saan hindi pagbibigyan ang humihiling nito kung hindi muna ito magpapakustodiya sa korte.

Sa isyu naman ng ginawang pag-custody kay Bato ng Senado sa pamamagitan ng bagong luklok na Senate President Alan Peter Cayetano, sinabi ni Justice Carpio na walang nasusulat sa constitution ukol dito. Ang nakalagay raw sa ating saligang batas ay bawal hulihin ang isang mambabatas kung ang kaso ay mayroong katumbas na anim na taon at pababa na pagkakulong.

Sa madaling salita, isa raw itong obstruction of justice at pwedeng makasuhan sina Sen. Cayetano at Sen. Padilla ng ‘accessory to the crime’. At kung mapatutunayan ay pwedeng maging dahilan ng kanilang diskwalipikasyon sa paghawak ng anomang posisyon sa gobyerno bukod pa sa pagkakakulong.

165

Related posts

Leave a Comment