ISINUSULONG ni Senador Raffy Tulfo na isailalim sa komprehensibong training at capacity building programs ang mga tauhan ng Office of the Sergeant at Arms ng Senado. Nakasaad sa Senate Resolution 402 ni Tulfo na bumalangkas at magpatupad ng operations manual para sa mas epektibong seguridad sa Senado. Binigyang-diin ni Tulfo na ang naganap na insidente at operational standoff sa pagitan ng National Bureau of Investigation at OSAA noong Mayo 13 ay naglantad ng mga operational, coordination, at procedural gaps sa internal security protocols, emergency response, perimeter control, at inter-agency coordination.…
Read MoreDay: May 21, 2026
‘WALANG NANGUMUSTA’ NI SEN. PIA BINASAG NI TULFO
KINONTRA ni Senador Erwin Tulfo ang pahayag ni Senador Pia Cayetano na wala ni isa sa mga minority senator ang nangumusta sa kanila matapos ang shooting incident sa loob ng gusali ng Senado. Binigyang-diin ni Tulfo na sa kanilang chat group sa whatsapp ay nagpadala siya ng mensahe at sinabing kasama sila sa kanyang dasal. Nangamusta rin anya sina Senator Kiko Pangilinan, Senador Bam Aquino at Senador Sherwin Gatchalian. Katunayan ay sumagot pa si Senador Camille Villar na nagpasalamat at nagsabing maayos ang kanilang kalagayan. Sinabi ni Tulfo na hindi…
Read MoreDOJ sa PNP at NBI: ARESTUHIN SI SEN. BATO
IPINAG-UTOS na ng Department of Justice ang pagtugis at pag-aresto kay Sen. Ronald dela Rosa kaugnay ng kinahaharap nitong kaso sa International Criminal Court. Ibinaba ng DOJ ang kautusan sa Philippine National Police at National Bureau of Investigation matapos ang media briefing ni Justice Secretary Frederrick Vida. Ayon kay Vida, itinuturing na ng pamahalaan na pugante si Dela Rosa hangga’t hindi ito humaharap sa kasong may kaugnayan sa madugong kampanya kontra droga noong administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte. “Senator Bato is a fugitive from justice and he should be…
Read MoreKUMUSTAHAN
CLICKBAIT ni JO BARLIZO “KUMUSTA ka na, Nalulungkot ka rin ba? Sana ay kapiling kita…” Napapakanta na rin ba kayo? Sino ba naman mag-aakala na babalik sa ating kamalayan ang pamosong kanta ni Rey Valera dahil sa serye sa Senado. Habang idinadaan natin sa kanta ang masalimuot na mga ganap sa upper chamber, dito muna tayo sa seryoso. Kumustahin naman natin ang lagay ng ekonomiya at presyo ng bilihin at serbisyo. Nangungumusta na tayo dahil parang walang nangyayari sa ginagawang hakbang ng gobyerno sa pagtugon sa kritikal na isyu tulad…
Read MoreMGA KOMENTO NI RETIRED JUSTICE CARPIO SA MGA ISYU KAY SEN. BATO
RAPIDO ni PATRICK TULFO SA aking panayam kay retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, sinagot nito ang ilang katanungan ukol sa kaguluhan na naganap sa Senado kamakailan lamang. Ayon kay Justice Carpio, hindi na kailangan pa ng warrant of arrest na manggagaling sa isang local court para maaresto si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa. Ito ay dahil sapat na raw ang warrant of arrest na galing sa ICC dahil kinikilala naman ng Pilipinas ang ICC at naging miyembro nga tayo rito bago tayo umalis sa utos na rin ni…
Read MoreMAYNILA, TULOY ANG PAGBANGON! MGA MODERNONG PROYEKTO, SUNOD-SUNOD NA ITINATAYO PARA SA BATANG MANILENYO
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA HINDI lamang pangako kundi aktuwal na pagkilos ang patuloy na ipinakikita ng administrasyon ni Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso para sa mga Batang Maynila. Sa gitna ng sunod-sunod na proyekto sa iba’t ibang distrito ng lungsod, malinaw na layunin ng pamahalaang lungsod na pagandahin, hindi lamang ang imprastraktura kundi pati ang kalidad ng pamumuhay ng mga Manileño. Isa sa pinakamalalaking proyektong kasalukuyang itinatayo ang 10-storey school building ng Ramon Magsaysay High School sa Sampaloc. Sa oras na matapos ito sa unang quarter ng…
Read MoreJEHOVAH SHALOM
HOPE ni GUILLER VALENCIA SA salitang Hebreo, ang ibig sabihin ng Jehovah Shalom ay “The Lord is Peace” or “The Lord our Peace.” Ilan lang ito sa pinagsamang pangalan ng Diyos sa Lumang Tipan tulad ng Jehovah Rapha, Jehovah Jireh, Jehovah Nissi at iba pa. Ang Jehovah Shalom ay ginamit ni Gideon, na isang hukom o judge ng Israel (Judges 6:24). Noong kanyang kapanahunan, ang bansang Israel ay nasa panahon ng opresyon ng Midianites. Dito nga itinayo ni Gideon ang altar na pinangalanang Jehovah Shalom. Sila ay nakatanggap ng katiyakan…
Read MoreONLINE VOTING SA IMPEACHMENT WALANG BASEHAN – BARBERS
MARIING tinutulan ni dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang panukalang amyendahan ang rules ng Senado upang payagan ang online participation at voting sa impeachment proceedings kahit walang pambansang emergency o pandemya. Ayon kay Barbers, tila may ibang motibo ang ilang senador sa pagtatangkang palawigin ang digital participation sa internal rules ng impeachment court. “The proponents want this amendment to extend to the Impeachment Court internal rules. This proposal betrays the intention of some members to accommodate other members who may not be able to physically attend sessions,”…
Read MoreBAWAT BAYAN MAKIKINABANG INILUNSAD SA OBANDO
PINANGUNAHAN ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. nitong Huwebes ang paglulunsad ng programang “Bawat Bayan Makikinabang” sa Obando upang maghatid ng bigas at educational assistance sa libo-libong pamilya mula sa 11 barangay. Ayon sa Pangulo, layunin ng programa na direktang makarating sa mga komunidad ang tulong ng pamahalaan. “Nandito naman po ako ngayon upang tingnan ‘yung aming programa. Ito ‘yung sa Bawat Bayan Makikinabang,” pahayag ng Pangulo. May dalawang pangunahing bahagi ang programa — ang Local Government Support Fund (LGSF) at Socio-Civic Projects Fund. Ipinaliwanag ni Marcos na pinalalakas ng administrasyon…
Read More