HOPE ni GUILLER VALENCIA
SA salitang Hebreo, ang ibig sabihin ng Jehovah Shalom ay “The Lord is Peace” or “The Lord our Peace.” Ilan lang ito sa pinagsamang pangalan ng Diyos sa Lumang Tipan tulad ng Jehovah Rapha, Jehovah Jireh, Jehovah Nissi at iba pa.
Ang Jehovah Shalom ay ginamit ni Gideon, na isang hukom o judge ng Israel (Judges 6:24). Noong kanyang kapanahunan, ang bansang Israel ay nasa panahon ng opresyon ng Midianites. Dito nga itinayo ni Gideon ang altar na pinangalanang Jehovah Shalom. Sila ay nakatanggap ng katiyakan mula sa Diyos na muling manunumbalik ang kapayapaan at kapahayagan din na ang presensya ng Diyos ay nasa kanila at maiibsan sila ng takot at makalalaya sa pang-aapi.
Ang salitang shalom sa Hebrew ay hindi lang “peace”, sa English ayon sa prepare life bible, “It encompasses completeness, safety, well-being, health, prosperity, harmony, and the absence of strife. Jehovah Shalom represents God’s ability to bring wholeness and tranquility even amid chaos, offering believers spiritual and emotional stability.”
Ang Jehovah Shalom ay nagbibigay diin na ang tunay na kapayapaan ay mula sa Diyos. Hindi galing sa kakayahan ng tao o ng pagkakataon. Tanging sa Diyos lamang nagmumula! Sa bisa nga sa kanta, “My peace I (Jesus) give it’s a peace that the world cannot give…” Remember, even in time of the storm experienced by Peter and other disciples, bigla silang natakot dahil sa malakas na unos sa dagat, at doon pinayapa ng Panginoon ang malakas na unos at nawala ang takot at pangamba ng mga disipulo. Isa pa rin sa Awit ang nagsabi, “When Christ is in my vessel, I can smile at the storm….” Yahweh is Peace, or the Lord sends Peace! I hope we accept Lord Jesus, the Prince of Peace, as your Lord and Savior. Shalom!
To experience real peace in our life we need the Prince of Peace, our Lord Jesus! Maraming verses sa Bible tungkol sa Jehovah Shalom, gaya ng Psalm 29:11, NIV– The Lord gives strength to his people; the Lord blesses his people with peace, Isaiah 26:12, BSB—O LORD, you will establish peace for us…”; Isaiah 26:3, NLT—You will keep in perfect peace all who trust in you…”; and etc.
90 