‘WALANG NANGUMUSTA’ NI SEN. PIA BINASAG NI TULFO

KINONTRA ni Senador Erwin Tulfo ang pahayag ni Senador Pia Cayetano na wala ni isa sa mga minority senator ang nangumusta sa kanila matapos ang shooting incident sa loob ng gusali ng Senado.

Binigyang-diin ni Tulfo na sa kanilang chat group sa whatsapp ay nagpadala siya ng mensahe at sinabing kasama sila sa kanyang dasal.

Nangamusta rin anya sina Senator Kiko Pangilinan, Senador Bam Aquino at Senador Sherwin Gatchalian. Katunayan ay sumagot pa si Senador Camille Villar na nagpasalamat at nagsabing maayos ang kanilang kalagayan.

Sinabi ni Tulfo na hindi niya alam kung bakit hindi nabasa ni Cayetano ang mga mensahe.

Tanong naman ni Senador Panfilo Lacson kung sino ang mangungumusta sa mga taong masayang kumakain nang magkakasama, umiinom ng kape at nakapag-live pa sa Facebook at inakusahan ang minority bloc na may ideya sa kaguluhan.

Naging emosyonal si Cayetano nang almahan ang pahayag ni Senador Risa Hontiveros na parang wala lang ang mga nangyaring pambabatos sa Senado bilang institusyon.

(DANG SAMSON-GARCIA)

84

Related posts

Leave a Comment