PASIKAT NA BAGITONG PARAK HIMAS-REHAS

ARESTADO ang isang pulis nang magpakitang gilas sa kamag-anak ng kanyang nobya sa pamamagitan ng pagbunot ng kanyang service firearm at pagpapaputok nito habang nakikipag-inuman sa Sto. Niño, Cagayan nitong Lunes.

Nakilala ang suspek na si Patrolman Jerald Sampaga, 29, nakatalaga sa Logistic section ng CIDG sa Camp Crame.

Sa ulat sa Kampo Crame, nasa official leave si Sampaga at dinalaw ang kanyang nobya sa Cagayan.

Ngunit habang kainuman umano nito ang mga kamag-anak ng nobya ay nagpasikat ang pulis at tumayo, binunot ang kanyang 9mm pistol at ipinutok sa ere ng isang beses.

Kaagad naman siyang dinampot ng mga tauhan ng Sto. Niño Municipal Station at nahaharap ngayon sa kasong alarm and scandal at indiscriminate discharge of firearms.

Kasunod nito ay sinibak ni CIDG Director Maj. General Nicolas Torre lll si Sampaga at inilipat sa Personnel Holding and Accounting Unit Branch (PHAB) habang isinasagawa ang imbestigasyon.

(TOTO NABAJA)

13

Related posts

Leave a Comment