DONAIRE VS INOUE SA WBSS BANTAM FINALS

donaire12

MATUTUPAD ang wish ni reigning WBA (super) bantamweight world champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, na makasagupa si undefeated Japanese boxer Naoya Inoue sa finals ng World Boxing Super Series Bantamweight Tournament.

Ang 36-anyos na si Donaire ay agad nagpahayag ng intensiyong makasagupa si Inoue, matapos niyang i-demolis si Stephon Young noong Abril sa semifinals ng torneo.

Si Inoue, 26-anyos at may record na 18-0, 16 KOs), ay inangkin ang WBA (regular) at IBF bantamweight world championships, nang idismantel sa dalawang round si former IBF holder Emmanuel Rodriguez sa kanilang semis bout noong Sabado sa Glasgow, Scotland.

Si Inoue, three-division world champion, ay patuloy sa pagdodomina sa kanyang mga kalaban, kung saan ang kanyang huling walong panalo ay puro sa pamamagitan ng stoppage, kasama ang first-round TKO win laban kay Jamie McDonnel para sa WBA’s secondary world title.

Inaasahang magkakaharap sina Donaire at Inoue para sa IBF at WBA titles sa WBSS Bantamweight Tournament Finals bago matapos ang taon.

166

Related posts

Leave a Comment