ANDREA AND FRANCINE: ANG BAGONG JUDAI-GLADYS

andrea12

(NI REY PUMALOY)

PARA  hindi pag-ugatan pa ng isyu ang pagiging magkalaban nina Andrea Brillantes at Francine Diaz, sinabi ng dalawa na mag-bestfriend sila.

Humarap sa media at bloggers sina Andrea at Francine para sa thanksgiving presscon para sa “Kadenang Ginto” ng Kapamilya network.

Kasama rin sa event ang leading men nilang sina Seth Fedelin at Kyle Echarri.

Sila ang lead stars sa nasabing top-rated daytime show ng ABS-CBN, na pumapalo na sa 800 million views sa buong mundo ang kanilang mga episodes, at higit na sa 100 million ang views nito sa YouTube.

Salamat sa husay nina Beauty Gonzales at Dimples Romano na magkalaban sa serye.

Anyways, natanong namin ang dalawa tungkol sa kanila at sinabi nilang off-camera close friend talaga silang dalawa.

May mga moments na nag-uusap sila ng kani-kanilang mga private lives, mga pangarap nila sa buhay, paborito nilang mga K-Pop artists at tungkol rin sa anxiety.

May mga pagkakataong nag-uusap muna silang dalawa bago kunan ang eksena ng kanilang tarayan para hindi magkasakitan.

Sina Andrea at Francine ang bagong henerasyon ng tandem noon nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes sa “Mara Clara”, ganun din sina Kathryn Bernardo at Julia Montes.

Kung sila raw ang makakapagdikta ng kanilang kapalaran, gusto nilang maging gaya ng mga nabanggit na stars na aabutin ng maraming taon ang kanilang friendship.

Siyanga pala, ang tawag kina Andrea, Francine, Kyle at Seth, ay “The Gold Squad.”

Isa sa mga plano ng Dreamscape Inc. na siyang production na nagha-handle ng “Kadenang Ginto” ay ang gawan sila ng record album.

     ###

“I Love You Forever” ang deklarasyon ni John Prats sa pagmamahal niya at sa pagiging mag-asawa nila ni Isabel Oli.

Sa Instagram post ni John Prats, binati niya ng happy wedding anniversary ang asawa.

Umaapaw sa kasiyahan ang mensahe ni John sa caption ng photo, dahil nagsasalarawan ito ng mga magagandang qualities ni Isabel.

Sabi ni John, grabe magmahal ang kanyang asawa, super sweet dahil ito ang laging nauunang bumati kapag may okasyon sa kanilang pamilya.

Maalaga raw na asawa at nanay si Isabel ng kanilang anak, kaya ramdam ni John, ang swerte niya sa pagkakaroon ng misis na gaya ni Isabel.

Kaya raw sila maayos sa lahat ng bagay ay dahil sa pag-aasikaso sa kanila ni Isabel. Ramdam nga nila ang pag-aalaga nito.

Pinasalamatan ni John si Isabel at muli niyang sinambit ang katagang “Love You”.

Ikinasal sina Isabel at John noong May 16, 2015, sa Batangas, at biniyayaan sila ng dalawang anak.

 

241

Related posts

Leave a Comment