NASA walong daang mga tauhan ng Philippine National Police mula Luzon ang tumayong Board of Election Inspectors kapalit ng mga guro na umatras bilang BEIs sa ilang bayan sa Lanao del Sur at Maguindanao del Sur, noong araw ng eleksyon.
Nabatid na sadyang may mga sinanay na kagawad ng PNP para magsilbing BEI sa mga lugar na posibleng may banta ng karahasan at o kasaysayan ng matinding tunggaliang pulitikal.
Ayon kay Maguindanao del Sur election supervisor Allan Kandon, kabilang ang Buluan, Maguindanao del Sur sa mga lugar ang isinailalim sa Commission on Elections (Comelec) control.
“𝘉𝘦𝘧𝘰𝘳𝘦 𝘬𝘢𝘴𝘪, 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘢 𝘯𝘢𝘨-𝘥𝘦𝘤𝘭𝘢𝘳𝘦 𝘯𝘨 𝘊𝘰𝘮𝘦𝘭𝘦𝘤 𝘤𝘰𝘯𝘵𝘳𝘰𝘭, 80% 𝘯𝘢 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘦𝘭𝘦𝘤𝘵𝘰𝘳𝘢𝘭 𝘣𝘰𝘢𝘳𝘥 𝘯𝘢𝘨-𝘪𝘯𝘩𝘪𝘣𝘪𝘵 𝘯𝘢. 𝘗𝘕𝘗 𝘯𝘢 𝘭𝘢n𝘨 𝘱𝘰 100% 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘴𝘦-𝘴𝘦𝘳𝘷𝘦 𝘢𝘴 𝘴𝘱𝘦𝘤𝘪𝘢𝘭 𝘦𝘭𝘦𝘤𝘵𝘰𝘳𝘢𝘭 𝘣𝘰𝘢𝘳𝘥𝘴,” ani Kandon.
Bukod dito, kabilang din ang Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte, ang inilagay sa Comelec control matapos ang insidenteng nagkagulo sa nasabing bayan.
“𝘐𝘵𝘰 𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘴𝘦𝘨𝘶𝘳𝘪𝘥𝘢𝘥 𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵. 𝘚𝘢𝘧𝘦𝘵𝘺 ‘𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯, 𝘴𝘢𝘧𝘦𝘵𝘺 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘣𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨, 𝘴𝘢𝘧𝘦𝘵𝘺 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘰. 𝘞𝘦 𝘢𝘳𝘦 𝘯𝘰𝘵 𝘥𝘪𝘴𝘤𝘰𝘶𝘯𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘩𝘦 𝘱𝘰𝘴𝘴𝘪𝘣𝘪𝘭𝘪𝘵𝘺 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘳𝘢𝘮𝘪 𝘱𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘭𝘪𝘨𝘪𝘥 𝘯𝘪𝘭𝘢, 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘱𝘢𝘭𝘪𝘨𝘪𝘥 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯, 𝘴𝘰 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘢𝘭𝘢𝘮 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘺𝘢𝘳𝘪,” ayon naman kay Bangsamoro Autonomous Region regional director Police Brigadier General Romeo Macapa.
Bago ang araw ng eleksyon, may dalawang namatay, isa ang sugatan, at pito ang inaresto mula sa armadong grupo matapos ang matagumpay na joint law enforcement operations laban sa naglalabang mga puwersa sa Brgy. Pandag, Pandag, Maguindanao del Sur.
Samantala, kinumpirma ng Western Mindanao Command (Westmincom), ang pagkamatay ng apat na kalalakihan matapos ang pamamaril sa Barangay Langil, Hadji Mohammad Abdul, Basilan, isang araw bago ang midterm elections.
(JESSE KABEL RUIZ)
168 