AKLAN – Dead on arrival sa pagamutan ang bise alkalde ng bayan ng Ibajay sa lalawigan makaraang barilin ng konsehal nitong Biyernes ng umaga.
Kinilala ang biktimang si Vice Mayor Julio Estolloso, 50-anyos. Pagkatapos ng pamamaril ay sumakay ng motorsiklo ang suspek na si Konsehal Mihrel Senatin, 43-anyos, at kusang sumuko sa mga awtoridad.
Ayon kay Police Regional Office 6 (PRO-6) PBGen. Josefino D. Ligan, dakong alas-9:15 ng umaga, habang nakaupo sa kanyang mesa sa session hall ang biktima nang lapitan ito ng suspek at hiningian ng mga ordinansa na kanyang naipasa.
“Vice, anu ang saea kimu?” “Vice, ano ang kasalanan ko sayo? ” Tanong umano ng suspek sabay bunot ng baril at pinaputukan sa kaliwang dibdib ang biktima.
Kaagad namang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan si Estolloso, subalit ideklarang dead on arrival dakong alas-10:23 ng umaga.
Narekober ng mga wtoridad ang 9mm pistol na ginamit sa pamamaril at mga basyo ng bala.
Sinuspende naman ang pasok sa munisipyo ng Ibajay.
(TOTO NABAJA)
