DOH FAST LANES NASA 49 HOSPITALS NA

PATULOY pang nadaragdagan ang mga DOH hospital na may Leptospirosis lane. Mula sa 27, umabot na ito ngayon sa 49 DOH hospitals.

Ayon sa kagawaran, mula sa 19 na DOH sa Metro Manila, pinalawig na rin nila ang Leptospirosis fast lane hanggang sa mga probinsya. 39 sa mga ito ay nasa Luzon, 5 sa Visayas at limang DOH hospital sa Mindanao.

Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa kanyang State of the Nation Address na ipinatutupad ang zero balance billing sa mga ospital.

Sa mga fast lane na ito, mabilis na natutukoy ang risk level ng pasyenteng may leptospirosis at ang kanyang kinakailangang medical intervention.

Samantala, makikita ang kumpletong listahan ng mga DOH hospital sa official facebook page ng DOH.

(JULIET PACOT)

53

Related posts

Leave a Comment