SOLAR IRRIGATION PROJECT BINISITA NI PBBM

PERSONAL na binisita nina Presidente Ferdinand R. Marcos, Jr. at National Irrigation Administration (NIA) Administrator Engr. Eddie G. Guillen at nagsagawa ng ocular inspection sa RM Tan Solar Pump Irrigation Project (SPIP) sa Ormoc City, Leyte noong Lunes.

Ang irrigation project na ginastusan ng P100 million, ay may kakayahang mapatubigan ang nasa 100 ektaryang sakahan na titiyak para sa sapat na supply para dalawang cropping seasons.

Mabibiyayaan ng RM Tan Solar Pump Irrigation Project ang nasa 92 farmers at kanilang mga pamilya.

Nabatid mula kay Eng. Guillen, oras na matapos ang nasabing proyekto, hindi na kakailanganin pa ng local farmers na dumipende sa diesel-powered motor pumps para sa kanilang patubig.

Bukod sa pagiging cost-efficient, ang solar projects ay environmentally friendly, at sumusuporta sa renewable energy development na isinusulong ng NIA.

Ang konstruksyon ng SPIPs sa buong bansa ay bahagi ng 7-Point Strategic Policy Agenda ni Guillen, partikular sa Climate-Smart Irrigation Systems.

Sumaksi sa ginawang ocular inspection ni PBBM si NIA Biliran-Leyte del Norte-Leyte del Sur IMO Manager Engr. Conrado M. Samson, NIA Central Office at regional employees, RM Tan Irrigators Association, Inc. officers, and farmer-beneficiaries.

(JESSE RUIZ)

48

Related posts

Leave a Comment