KALABOSO ang dalawang Vietnamese national makaraang nagpapanggap na mga lisensyadong doktor sa Parañaque City.
Kinilala ang mga suspek na sina “Thao Anh”, 31-anyos, babae, at “Dong Xuan”, 29-anyos, lalaki, pawang Vietnamese nationals, at nahuli sa aktong nagsasagawa ng medical examinations.
Ayon sa ulat, nagpapanggap ang mga suspek na mga doktor at nag-i-inject ng substances, nagbibigay ng gamot, at nagsasagawa ng whitening treatment nang walang awtorisasyon mula sa Professional Regulation Commission at Philippine Medical Association.
Nakumpiska sa mga suspek ang iba’t ibang vials ng kemikal, mga kahon ng syringes, samu’t saring tablet at capsules, at iba pang mga kagamitan na tinatayang nagkakahalaga sa P150,000.
Nasa kusodiya na ng mga awtoridad ang dalawang suspek na nahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act No. 4224 o The Medical Act of 1959.
(TOTO NABAJA)
108 