BAGO magtanghali nitong Martes, niyanig ng magnitude 4.5 earthquake ang dagat malapit sa Ilocos Norte, ayon sa ulat na isinumite sa National Disaster Risk Reduction and Management Council ng tanggapan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kahapon.
Sa ibinahaging datos ng Phivolcs, naramdaman ang pagyanig bandang alas-10:29 ng umaga at natukoy na tectonic origin ang ugat ng paglindol na may lalim na 10 kilometro.
Natukoy naman ang epicenter ng lindol may 29 kilometro ng hilagang kanluran ng Pagudpud, Ilocos Norte.
Walang inaasahang malakas na aftershock na mararanasan ang publiko o damages sa mga ari-arian, ayon sa Phivolcs.
(JESSE RUIZ)
134 