LGBT MEMBER TUMALON SA MALL SA VALENZUELA

NASAWI ang isang miyembro ng LGBT community matapos tumalon mula sa ikatlong palapag ng isang mall sa Valenzuela City kahapon.

Inilarawan ang biktima na nasa pagitan ng 25 hanggang 30-anyos, nakasuot ng itim na pantalon, itim na damit at may taas ng 5’5″ hanggang 5’7″. Sinasabing naganap ang insidente, bago magtanghali kahapon sa Paso de Blas, Valenzuela City. Kumalat sa social media ang video at larawan ng pagpapakamatay umano ng biktima kung saan ay maraming netizen ang naawa at nagpaabot ng pakikiramay.

Ayon sa isang testigo, namimili siya nang makarinig ng malakas na kalabog ng sahig.

Nakita niya ang mga tao na nagtatakbuhan at nang kanyang alamin ay nakita ang nakahandusay na biktima. Huling nakitang buhay ang biktima na naglalakad pero mistulang balisa at pagdating sa ikatlong palapag ay sumampa umano ito sa harang na railings saka tumalon.

Kinokontak pa ng pulisya ang mga kaanak ng biktima para ipaalam ang insidente. Naniniwala ang pulisya na depresyon ang nagtulak sa biktima para magpakamatay.

(MARDE INFANTE)

68

Related posts

Leave a Comment