IKINAGALAK ng Department of National Defense (DND) ang resulta ng pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagpapakita ng mataas na tiwala ng mga Pilipino sa mga bansang kaalyado ng Pilipinas.
Ayon sa DND, ang resulta ay nagpapakita na tama ang postura ng bansa sa pagtatanggol sa rules-based international order. “The overwhelming public approval for our like-minded partners legitimizes our efforts and affirms our position to pursue convergence in the defense of the rules-based international order,” ayon sa inilabas na pahayag ng kagawaran.
Batay sa survey na isinagawa sa 1,200 adult respondents sa buong bansa, nakakuha ng pinakamataas na net trust rating ang U.S. na “very good” sa +63, sinundan ng Japan (+43) at Australia (+37) na kapwa nasa “good” rating. Ang tatlong bansang ito ay kabilang sa mga lantad na nagpapahayag ng suporta sa paninindigan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Binigyang-diin ng DND na patunay ito ng kamalayan ng mga Pilipino hinggil sa territorial integrity at sovereign rights ng bansa. “The Defense Department remains committed to our mandate of protecting our territorial integrity, sovereignty, and sovereign rights,” ani DND Assistant Secretary Arsenio R. Andolong.
(JESSE RUIZ)
221 