Napagkamalang magnanakaw OBRERO NABARIL NG SEKYU

CAVITE – Arestado ang isang security guard nang mabaril ang isang obrero na napagkamalan nitong magnanakaw sa Bacoor City noong Martes ng madaling araw.

Hawak na ng Bacoor Component City Police Station ang suspek si alyas “Alexander”, security guard at residente ng Brgy. San Nicolas 2, Bacoor City, Cavite, nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in physical injuries dahil sa reklamo ng biktimang si alyas “JR”, 31, binata, residente ng Brgy. Niog 1, Bacoor City, nilalapatan ng lunas sa Las Piñas District Hospital dahil sa tama ng bala sa katawan, na nahaharap din sa kaso makaraang mag-counter charge ang sekyu.

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng roving inspection ang suspek sa kanyang binabantayanng Villar Farm sa Brgy. San Nicolas 2, Bacoor City bandang ala-1:30 ng madaling araw nang napansin nito ang biktima sa lugar at napagkamalan nito na isang magnanakaw.

Nilapitan nito ang biktima at tinutukan ng kanyang service firearm subalit pumutok at tinamaan ang una.

Bagama’t may tama, nakahingi ng tulong ang biktima sa Brgy. San Nicolas 2 at dinala ito sa ospital kung saan kasalukuyang nilalapatan ng lunas.

Naaresto naman ang suspek sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad.

(SIGFRED ADSUARA)

124

Related posts

Leave a Comment