POSIBLENG umakyat sa pagitan ng 1.5 hanggang 2.3 porsiyento ang inflation rate para sa buwan ng Setyembre, ayon sa pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ayon sa BSP, pangunahing dahilan ng pagtaas ang mas mataas na presyo ng bigas, isda, at domestic fuel. Gayunman, bahagyang nabawasan ang epekto nito dahil sa pagbaba ng presyo ng gulay, karne, at mas mababang singil sa kuryente.
“Patuloy na susubaybayan ng BSP ang mga paggalaw sa loob at labas ng bansa na nakakaapekto sa inflation at paglago, alinsunod sa data-dependent approach sa monetary policy,” pahayag ng BSP.
Nakatakdang ilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang opisyal na datos ng September headline inflation sa Oktubre 7. Matatandaang tumaas ang inflation sa 1.5% noong Agosto, kumpara sa 0.9% noong Hulyo.
(CHAI JULIAN)
179 