PAMILYA VILLAR INIIMBESTIGAHAN DIN SA FLOOD WORKS MESS

KABILANG sa iniimbestigahan ng Department of Justice (DOJ) sina dating senador Cynthia Villar, Senator Camille Villar, at dating DPWH Secretary na ngayo’y Senador Mark Villar kaugnay ng mga kontrata sa flood control projects at iba pang imprastraktura sa Las Piñas City.

Ayon kay Justice Secretary Boying Remulla, contractor umano ang first cousin ni Sen. Mark Villar na nakakuha ng mahigit ₱18 bilyong halaga ng proyekto sa lungsod. Giit ni Remulla, malinaw na posibleng paglabag ito dahil sa conflict of interest, lalo’t kasama si Villar sa pagtatalakay ng budget para sa nasabing mga proyekto.

Bukod sa flood control, ibinunyag din ni Remulla na nakakuha rin umano ng kontrata ang kaanak ng mga Villar para sa mga gusali ng paaralan, kalsada, at iba pang proyekto sa Las Piñas.

Nilinaw naman ng DOJ chief na patuloy pa ang beripikasyon sa mga natatanggap na ulat upang matukoy kung direktang sangkot nga ang mga Villar sa umano’y pagkulimbat ng pondo ng bayan.

(JULIET PACOT)

319

Related posts

Leave a Comment