KINUMPIRMA ng Philippine Coast Guard (PCG) na tatlong tauhan nito ang nasawi sa nangyaring 6.9 magnitude quake sa Cebu.
Ayon sa PCG, iniulat ang insidente ng Coast Guard District Central Visayas (CGDCV) at kinilala ang tatlong coast guard personnel na sina Seaman Second Class Lawrence Palomo, Apprentice Seaman Junjay Mahusay, at Apprentice Seaman Er Cart Dacunes.
Batay sa impormasyon na naiparating ng CGDCV sa PCG Manila, nasawi ang tatlong coast guard personnel matapos gumuho ang San Remigio Sports Complex sa pagyanig ng malakas na lindol.
Ang support teams ay ipinadala upang tulungan ang kanilang naulilang pamilya at tiyaking maibibigay ang kanilang agarang pangangailangan.
(JOCELYN DOMENDEN)
292 