SUSPEK SA PAMAMARIL SA 3 PULIS NAPATAY SA ENGKWENTRO

PATAY ang suspek na si Ronald Bacay De Guzman matapos makasagupa ng mga pulis sa hot pursuit operation sa Brgy. Bolbok, Batangas City nitong Martes.

Ayon sa Batangas Police, natunton ang suspek sa isang kagubatan bandang 11:30 a.m. at agad umanong nagpaputok nang lapitan, dahilan para gumanti ang mga pulis. Dinala pa siya sa ospital pero idineklarang dead on arrival.

Matatandaang tatlong pulis ang sugatan sa buy-bust operation laban sa ilegal na armas sa parehong barangay noong Lunes ng gabi matapos paputukan ng mga suspek. Ang mga biktima ay sina PMAJ Edgar Fabregas, PSSG Arvin Ilagan, at PSSG Karl Ernest Fabonan na patuloy na ginagamot.

(NILOU DEL CARMEN)

187

Related posts

Leave a Comment