VENDOR SA SABUNGAN, NIRATRAT PATAY

QUEZON – Patay ang isang vendor sa sabungan matapos na ratratin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek na tumawag sa biktima sa labas ng kanyang bahay sa Brgy. Lutucan Malabag, sa bayan ng Sariaya sa lalawigan noong Martes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima sa pangalang “Dante”, 54-taong gulang, at residente ng Brgy. Lutucan Malabag.

Ayon sa live-in partner ng biktima, nakahiga sa kanilang kama ang biktima sa kanilang kubo sa Sitio Palomera nang dumating ang dalawang lalaki bandang alas-10:00 ng gabi.

Doon ay tinawag ang biktima ng isa sa mga suspek at sinabing, “Halika.” Nang lumabas ang biktima, nakarinig na lamang ang live-in partner ng ilang putok ng baril na agad ikinamatay ni Dante.

Ayon sa kapitan ng barangay, walang record ang biktima sa barangay at wala itong kaaway.

Napag-alaman din na madalas nagbebenta lamang ang biktima ng nilagang mais sa sabungan ng Sariaya.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya at inaalam ang motibo at kung sino ang mga suspek sa krimen.

(NILOU DEL CARMEN)

45

Related posts

Leave a Comment