UTANG NG PILIPINAS BUMABA NITONG AGOSTO

BUMABA ang kabuuang utang ng Pilipinas nitong Agosto, ayon sa Bureau of the Treasury, matapos mabayaran ng gobyerno ang pinakamalaking local bond ng taon at dahil na rin sa paglakas ng piso.

Naitala ang sovereign debt sa P17.47 trilyon, mas mababa ng P95.07 bilyon kumpara sa P17.563 trilyon noong Hulyo. Ayon sa Treasury, ang pagbaba ay dulot ng full repayment ng P516.34 bilyong local bond at pagbaba ng halaga ng external debt sa dolyar.

Naitala rin na bumaba ang domestic debt sa P12.09 trilyon (down P21.39 bilyon), habang ang foreign debt ay bumaba sa P5.38 trilyon (down P73.68 bilyon). Sa kabila nito, mas mataas pa rin ang kabuuang utang ng bansa ng P1.92 trilyon o 12.3% kumpara noong Agosto 2024.

Iginiit ng Treasury na mas paborable ang debt profile dahil 69.2% ng borrowings ay local debt, na mas ligtas laban sa foreign exchange risks at kalakhan ay utang ng gobyerno sa mga Pilipino mismo. Ayon naman sa economic managers, nananatiling “sustainable” ang utang basta’t magpapatuloy ang mabilis na paglago ng ekonomiya.

(CHRISTIAN DALE)

234

Related posts

Leave a Comment