P1.3-M DROGA NASABAT SA HVI SA LUCENA

LUCENA CITY – Arestado ang isang high value individual sa ikinasang buy-bust operation ng Provincial Drug Enforcement Unit ng Quezon Police Provincial Office sa Purok Narra, Barangay Isabang sa lungsod nitong Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si alyas “Jaypee”, 39, residente ng Barangay Guis-Guis, Sariaya, Quezon.

Nasamsam sa suspek ang anim na sachet at isang plastic bag ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na 65 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P1.3 milyon.

Matapos ang transaksyon ng suspek at ng isang undercover police, agad itong inaresto at nakuha sa pag-iingat nito ang isang black sling bag, buy-bust money, at isang motorsiklo.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Lucena City Police Station ang suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng Republic Act 9165.

Samantala, ayon kay Quezon Police Provincial Director Colonel Romulo Albacea, patuloy nilang paiigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga hangga’t may mga taong sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan at ng komunidad.

(NILOU DEL CARMEN)

122

Related posts

Leave a Comment