P106-M KINITA NG BOC SA MGA SUBASTA

MAHIGIT P106 milyon mula sa mga pampublikong subasta ang kinita ng Bureau of Customs (BOC) mula sa nakumpiska at inabandonang kalakal, na isinagawa mula Hulyo hanggang Setyembre sa iba’t ibang pantalan ng bansa.

Kabilang sa mga isinubasta sa Port of Manila, Manila International Container Port, at Ninoy Aquino International Airport ang iba’t ibang consumer goods, mga sasakyan, produktong petrolyo, industrial materials, furniture, at iba pa.

Batay sa Customs Modernization and Tariff Act, inatasan ang BOC na ipagbili sa publiko, isailalim sa negosasyon, o i-donate ang mga nakumpiska at inabandonang kalakal upang matiyak ang pagiging tapat at bukas sa proseso.

Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, ang mga nalikom na pondo mula sa subasta ay direktang napupunta sa kaban ng bayan para masuportahan ang mga pangunahing programa at serbisyong pampubliko ng pamahalaan.

(JOCELYN DOMENDEN)

80

Related posts

Leave a Comment