Sinaway na utangin ang pang-tuition ng apo SENIOR PATAY SA BUGBOG AT PALO NI MISTER

BATANGAS – Patay isang 62-anyos na ginang makaraang bugbugin at paluin ng kahoy ng kanyang mister na kinagalitan nito nang tangkaing utangin ang perang pang-tuition ng kanilang apo sa bayan ng Laurel.

Kinilala ang biktima sa pangalang “Zenaida”, 62-anyos, residente ng Barangay San Gabriel.

Nasugatan din ang 13-anyos na binatilyong apo na si “Rich”, Grade 7 student, na tinangkang tulungan ang kanyang lola.

Batay sa imbestigasyon ng Laurel Municipal Police Station, nangyari ang insidente noong Linggo ng gabi sa loob ng bahay ng pamilya.

Ayon sa ulat, tinawag umano ng suspek na si “Bito”, 62-anyos, isang tricycle driver, ang kanyang apo upang utangin ang pera na pangmatrikula nito.

Nagalit umano ang ginang at sinaway ang asawa dahilan upang mauwi ito sa matinding alitan.

Dito na umano pinagsusuntok, pinagsisipa, at pinalo ng kahoy ng suspek ang kanyang asawa hanggang mawalan ito ng malay.

Tinangkang umawat ni Rich ngunit sinuntok din siya ng suspek at hinampas ng monoblock chair.

Agad dinala ang babaeng biktima sa Saint Andrew Hospital sa Talisay, Batangas, ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor bandang alas-8:35 ng gabi.

Naaresto naman ng mga pulis ang suspek na nahaharap sa kasong parricide at paglabag sa Republic Act 7610, o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

(NILOU DEL CARMEN)

80

Related posts

Leave a Comment