Enchanted Kingdom handa na sa holiday season

Agila EK Façade: Ang building ng Agila The EKsperience: Saribuhay ng Enchanted Kingdom.

Wala pa rin talagang makakapantay sa sayang hatid ng Enchanted Kingdom (EK)!

Sa tinagal-tagal nila sa industriya, na nagdiwang ng 30th anniversary noong October, ang Enchanted Kingdom ay patuloy pa rin sa pagpapaganda bilang theme park at handa nang sumalubong sa holiday season.

Ang EK ay ang kauna-unahan at nanatiling world-class theme park sa bansa at patuloy pa ito sa pagiging numero uno.

Muling paglipad ng Agila The EKsperience: Saribuhay

Mula nang unang operasyon noong December 2016, isinara noong July para sa renovation at muling binuksan noong mid-October, nagbabalik sa paglipad ang Agila The EKsperience: Saribuhay. Ito ang first flying theater sa bansa na ngayon ay mas exciting ang pag-ride dahil mas theatrical ang panonood. Kasama pa rin dito ang Philippine eagle na si Sinag na magdadala sa inyo sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Bago nito, ikukuwento ni Eldar the Wizard, homegrown at jolly character ng EK, ang halaga ng kalikasan mula sa flora and fauna sa three elements na water, earth, atair. Firsthand ding makikita ang unique at new features sa film na mapapanood. Tunay na mamamangha sa tourist destinations ng bansa mula sa ilalim ng karagatan hanggang sa himpapawid na may maganda pa ring tanawin.

Agila EK: Ang gate ng Saribuhay Village kung saan matatagpuan ang Agila The EKsperience: Saribuhay ng Enchanted Kingdom.

Space Shuttle: Sisigaw kayo sa saya

Kung thrill-seekers kayo, walang issue na sumakay sa mas immersive attraction dala ng Space Shuttle. Iikot at sisigaw kayo sa saya! Ito ang iconic rollercoaster ng EK at libong parkgoers na ang sumubok nito kaya tiyak pang pipilahan sa muling pagbubukas sa publiko mula sa renovation.

Paskong Pinoy hatid ng EK

Hindi pa rin naman mawawala ang pagsalubong ng EK sa nalalapit na Kapaskuhan na para sa mga Pinoy ay panahon din ng pamilya.

Asahan na may surprises gaya ng in-park displays, shows at iba pang magdadagdag saya sa inyo ngayong holiday season.

Planuhin na ang pagpunta sa EK at kumuha ng discount rates, magsadya lamang sa kanilang official website at Facebook page.

Space Shuttle: Ang Space Shuttle na iconic roller coater ng Enchanted Kingdom.

230

Related posts

Leave a Comment