KAHIT singko, wala pang naibalik na pera ang mga dawit sa flood control scam na nag-apply bilang state witness.
Kinumpirma ito ng Department of Justice (DOJ) kasunod ng tanong kung totoong nagbalik na si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo ng umano’y nakulimbat na pondo mula sa maanomalyang proyekto, base sa pahayag ni Senator Sherwin Gatchalian.
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, wala pang restitution na naganap, at kung sakaling magkaroon, agad itong ipaaalam sa publiko. Binigyang-diin din niya na kinakailangan munang magkaroon ng memorandum of agreement kay Bernardo at sa kagawaran bago ito maipatupad, na sa ngayon ay hindi pa nakumpirma.
Nilinaw ng DOJ na ang mga proseso para sa state witness ay mananatiling confidential at hindi maaaring ibunyag sa publiko.
(JULIET PACOT)
66
