‘INCENTIVE CASH REWARD’ SA CUSTOMS EMPLOYEES IBIBIGAY, 2 EX BOC OFFICIALS MAGBABALIK!

On the Level ni JUNEX DORONIO MAGANDANG balita para sa mga kawani ng Bureau of Customs (BOC)! Nakatakda nang ipamahagi ang kanilang matagal nang hinihintay na incentive cash reward bago pa man muling magbukas ang mga paaralan ngayong taon. Sa gitna ng tumataas na gastusin, lalo na sa edukasyon ng mga anak, ang ganitong tulong ay hindi matatawaran. Ayon sa ating mapagkakatiwalaang source, ang ilalabas muna ay ang incentive para sa taong 2021—isang hakbang na bagama’t matagal na hinintay, ay dumating sa tamang panahon. Ang para naman sa 2022 ay inaasahang…

Read More

MGA SENADOR KANYA-KANYANG POSISYON NA SA IMPEACHMENT TRIAL NI VP SARA

RAPIDO ni PATRICK TULFO SA botong 55-0, iaakyat na sa Senado ang pagdinig sa pag-impeach kay VP Sara Duterte matapos aprubahan ng Justice Committee sa Kongreso ang resolusyon ng Articles of Impeachment. Naghahanda na nga raw ang mga senador ngayong nasa kamay na nila ang magiging kahihinatnan ng VP sa larangan ng pulitika. Naging viral naman si Sen. Robin Padilla sa sinabi nitong bilang miyembro ng oposisyon ay trabaho niyang mag-oppose o hindi sumang-ayon sa anomang ihahain sa kanila sa Senado. Hindi yata alam ng mahal na senador na bilang…

Read More

NBI Hinahamon ng Club Apeiro sa Pasay?

Balitang ‘di Kanais-Nais ni Cesar Barquilla BAGO natin simulan ang pagbibigay impormasyon sa kagalang-galang na National Bureau of investigation Director (NBI) Atty. Melvin Matibag, ay nais nating batiin ng Congratulations! ang ahensya dahil sa mga accomplishment na kanilang natamo tulad na lang ng pagpapasara ng KTV Bar ni former DENR Secretary Mike Defensor na sinasabing pronta ng prostitution. Tutal mainit na mainit ang usaping putahan sa mga KTV Bar ay nais tumulong ng Balitang ‘di Kanais-Nais sa tanggapan ng NBI sa pamumuno ng matikas na Director Atty. Matibag, na bigyan…

Read More

CONG. JIMMY FRESNEDI, KATUWANG NG MGA MUNTINLUPEÑOS SA ORAS NG PAGSUBOK

TARGET ni KA REX CAYANONG SA gitna ng trahedyang dulot ng sunog sa Barangay Sucat, kung saan mahigit 260 pamilya ang nawalan ng tirahan at napilitang lumikas, higit na nasubok ang kakayahan ng pamahalaan na tumugon nang mabilis at makatao. Aba’y sa ganitong pagkakataon, hindi sapat ang salita—ang kailangan ay agarang aksyon, konkretong tulong, at tunay na malasakit. Sabi nga, sa kabila ng lawak ng pinsala, kapansin-pansin ang mabilis na pag-abot ng tulong mula sa iba’t ibang sektor ng pamahalaan. Ngunit higit na umangat ang papel ni Cong. Jimmy Fresnedi…

Read More

PULIS-MAYNILA SIBAK SA KASONG RAPE

TINANGGAL na sa serbisyo ang isang pulis-Maynila matapos mapatunayang sangkot sa kasong panggagahasa. Batay sa desisyon ng National Police Commission (NAPOLCOM), napatunayang guilty si Patrolman Mendoza sa grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer. Ayon sa komisyon, malinaw na paglabag sa batas at moralidad ang ginawa ng pulis, kaya’t hindi na siya karapat-dapat manatili sa serbisyo. Pinagtibay ng NAPOLCOM ang desisyon base sa CCTV footage, testimonya ng saksi, medico-legal findings, at salaysay ng biktima. “Walang puwang sa serbisyo ang ganitong uri ng karahasan,” diin ni NAPOLCOM Commissioner Rafael…

Read More

MAHIGIT 1,000 PULIS KINASUHAN NGAYONG 2026

UMAKYAT sa 1,048 ang bilang ng mga pulis na sinampahan ng kasong administratibo sa unang tatlong buwan ng 2026, ayon sa PNP-Internal Affairs Service (IAS). Mas mataas ito kumpara sa 770 kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Ayon kay IAS Inspector General Atty. Brigido Dulay, bunga ito ng pinaigting na monitoring laban sa mga abusadong pulis. Sa bilang, mahigit 800 ang Police Non-Commissioned Officers, habang higit 200 ang Commissioned Officers. Sa mga kasong naresolba, 41 na ang sinibak sa serbisyo, 64 ang sinuspinde, 20 ang nademotion, at 11 ang…

Read More

SEGURIDAD SA MAYON HINIGPITAN NG PNP

MAS paiigtingin pa ang pagbabantay sa paligid ng Bulkang Mayon habang pinag-aaralan ang pagpapalawak ng Permanent Danger Zone (PDZ) mula anim hanggang pitong kilometro. Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na posibleng lumala ang aktibidad ng bulkan, dahilan para ikonsidera ang mas malawak na saklaw ng danger zone. Kasabay nito, nagpakilos ng karagdagang pwersa ang Philippine National Police (PNP) upang tiyakin na walang makapapasok sa mga delikadong lugar. Ayon kay PNP chief General Jose Melencio Nartatez Jr., mahigpit ang koordinasyon nila sa mga lokal na opisyal upang…

Read More

TINDAHAN INARARO NG TRUCK, 3 SUGATAN

TATLO katao ang sugatan matapos araruhin ng isang delivery truck ang isang tindahan sa Barangay Taliba, San Luis, Batangas noong Lunes ng umaga. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-9:40 ng umaga nang mangyari ang insidente habang binabagtas ng delivery truck ng isang grocery store, na minamaneho ng 49-anyos na driver, ang barangay road patungong Barangay Muzon. Bigla umanong nawalan ng kontrol sa manibela ang driver dahilan upang kumabig pakaliwa ang sasakyan. Dumiretso ito sa isang tindahan sa harap ng isang bahay at tinamaan ang ilang taong naroroon. Sugatan sa…

Read More

US TOMAHAWK MISSILE SINUBUKAN SA TACLOBAN

NANAWAGAN ang Koalisyong Makabayan na itigil ang Balikatan war games at imbestigahan ang pagpapaputok ng Tomahawk missile sa gitna ng joint military exercises. Ito ay matapos kumpirmahin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na isang Tomahawk long-range missile ang pinaputok bandang 12:12 ng madaling araw mula sa Tacloban Airport patungong target area sa Laur, Nueva Ecija. Ayon kay AFP spokesperson for Balikatan Philippine side Dennis Hernandez, bahagi ito ng military exercise na sumusuporta sa joint Pacific Multinational Readiness Center activities. Iginiit ng grupo na ang paggamit ng naturang missile…

Read More