SELDA NI ALICE GUO SA CORRECTIONAL READY NA

HANDA na ang Bureau of Corrections (BuCor) sakaling ilipat na si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City mula sa Pasig City Jail, matapos siyang mahatulang guilty sa kasong human trafficking at patawan ng habambuhay na pagkakabilanggo.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., nag-deploy na ang CIW ng dagdag na Corrections Emergency Response Team para tiyakin ang seguridad sa loob ng piitan. Naka–on-call status na rin ang lahat ng personnel.

Sakaling mailipat si Guo, sasailalim siya sa: medical examinations, limang araw na quarantine, at 55-day processing sa regular na selda ng Reception and Diagnostic Center para sa mandatory orientation, diagnostic at qualification.

Pagkatapos nito, ililipat na si Guo sa regular dormitory ng national security camp kung saan ihahalo na siya sa iba pang persons deprived of liberty (PDL).

Sa ngayon, hindi pa siya nalilipat mula Pasig City Jail dahil sa mosyon ng kampo ni Guo na manatili muna siya roon habang dinidinig pa sa korte.

(CHAI JULIAN)

87

Related posts

Leave a Comment