WALKTHROUGH SA RUTA NG TRASLACION, ISINAGAWA

BAGAMA’T may panaka-nakang pag-ulan nitong Martes ng umaga, itinuloy pa rin ang Walkthrough para sa ruta ng Traslacion 2026.

Bandang alas-5 ng umaga nang simulan ang aktibidad sa Quirino Grandstand sa Luneta kung saan doon magsisimula o manggagaling ang imahe ng Nazareno sa Enero 9, 2026.

Tatahakin ang ruta ng Traslacion hanggang sa simbahan ng Quiapo.

Kasama sa Walkthrough ang pamunuan ng simbahan ng Quiapo at ilang opisyal ng ahensya ng pamahalaan.

Ito ay bilang bahagi ng paghahanda sa pagdiriwang ng Nazareno 2026.

Ang pangunahing layunin nito ay upang tiyakin ang kaligtasan ng lahat sa daraanan ng prusisyon.

Inaasahan na aabot sa milyong deboto ang makikiisa sa Translacion kaya naman puspusan na ang paghahanda ng simbahan ng Quiapo at ilang ahensya ng pamahalaan at kasama ang Manila LGU sa mga paghahanda.

(JOCELYN DOMENDEN)

26

Related posts

Leave a Comment