TAYABAS CITY – Dalawang lalaki ang sugatan nang masalpok ng isang pampasaherong bus ang kanilang sinasakyang kotse sa Maharlika Highway, Brgy. Isabang sa lungsod nitong Lunes ng madaling araw.
Batay sa imbestigasyon ng Tayabas City Police Station, bandang alas-12:25 ng madaling araw nang mangyari ang insidente habang tumatawid sa national highway ang Mazda 3 na minamaneho ng biktimang si “Devin”, 27, residente ng Camella Homes, Isabang, kasama ang pasaherong si Dominic, 28, mula Makati City.
Paglabas umano ng sasakyan sa barangay road mula sa isang subdivision ay nasapol ito sa kanang bahagi ng paparating na Superlines bus na patungong Sariaya, Quezon.
Dahil sa impact, nasugatan ang dalawa na agad namang dinala ng mga tauhan ng CDRRMO Tayabas sa Quezon Medical Center sa Lucena City para sa agarang lunas.
Ikinostudiya naman ng pulisya ang driver ng bus na si “Jovanie”, 33, residente ng Cabuyao, Laguna habang patuloy pa ang imbestigasyon.
(NILOU DEL CARMEN)
79
